Architecture student mula sa Albay na may obrang nag-viral noong nakalipas na mga araw, nagbahagi ng ilan sa kanyang mga karanasan sa pagguhit

Ibinahagi ng 19 anyos na artist mula sa lalawigan ng Albay ang ilan sa kaniyang mga karanasan sa pagguhit partikular ang obrang nag-viral kamakailan sa social media.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi sa nasabing artist na si Jandel Tuazon, freshman student ng Bicol University Institute of Design and Architecture, inihayag niyang dahil sa kaniyang talento sa pagdi-drawing ay nakasali siya sa mga paligsahan sa pagguhit – municipal, regional hanggang sa national.

Aniya, mula raw siya sa pamilyang mga artists; ginagaya niya umano ang mga obrang gawa ng kaniyang mga pamilya hanggang sa natutunan at kinahiligan na niya ito.

Dagdag pa niya, ang kaniyang talento ang nagbibigay din sa kanya ng pagkakataong kumita at magamit bilang pandagdag sa pantustos ng kanyang mga pangangailangan sa pag-aaral nang hindi na humihingi sa mga magulang. Nagkakaroon siya umano ng kita rito sa pamamagitan ng pagtanggap niya ng mga komisyon mula sa iba’t ibang mga tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *