Umabot sa labing-isa ang nakagat ng isang asong gala nakalipas na Linggo sa Brgy. Barretto, Olongapo City.
Ayon kay Punong Brgy. Gie Baloy, pauwi na sana ang mga biktima na nag-aabang ng masasakyan at nang dumaan ang aso ay nangagat nang nangagat ito.
Sa pag-iimbestiga ng baranggay, hindi rin matukoy kung sino ang may-ari ng nasabing aso.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Baloy na namatay ang aso na posibleng indikasyon na may rabies ito.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO