Babae, piniling maging ‘full-time daughter’ na may suweldong 32K kada buwan

Isang Chinese woman ang nagpasyang huminto sa kanyang trabaho para maging isang ‘full-time daughter’ na sumasahod ng P32,000 kada buwan.

Ayon sa isang ulat ng South China Morning Post, ang babaeng nagngangalang Nianan ay naharap daw sa matinding stress sa pinagtrabahuhang news company sa loob ng 15 taon.

Kasunod ng kanyang pagka-burnout, hindi raw nag-atubili ang kanyang mga magulang na bigyan siya ng buwanang allowance na 4,000 yuan (P32,000) mula sa kanilang buwanang retirement pension bilang isang ” full-time daughter na isang offer na napakahirap daw tanggihan.

Aminado si Nianan, na ang pagnanais na kumita ng mas maraming pera ang pinakamalaking kadahilanan sa kanyang desisyon na tanggapin ang alok ng kanyang mga magulang.

Gayunman, sinabi niyang hindi naman daw nagkukulang ang kanyang mga magulang na sabihan siyang maghanap ng mas angkop na trabaho kahit pa nahahatian siya sa pension ng mga ito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *