Bagong 4 na division chiefs at 26 municipal agrarian reform program officers nanumpa na – DAR Bicol

LEGAZPI CITY – Nanumpa na ang mga bagong promote na 4 na division chiefs at 26 municipal agrarian reform program officers mula sa Albay, Masbate, Sorsogon, Camarines Norte, and Camarines Sur I and II ng Department of Agriculture (DA) Bicol.

Ang mga bagong opisyal na itinalaga sa rehiyon ay tutulong sa pagkumpleto ng mga natitirang hindi pa naipapamahagi na lupaing agrikultural na sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa rehiyon ng Bicol.

Hinikayat ni DAR Bicol Regional Director Rodrigo Realubit sa mga bagong na-promote na opisyal ng nasabing tanggapan na magkaroon ng patas na paglilingkod sa lahat ng programa tulad ng agrarian reform beneficiaries (ARBs) upang maging produktibong ang mga miyembro ng lipunan.

Aniya, pagsikapan pa rin ng mga ito na manatili sa kanilang karera sa pagbigay ng magandang serbisyo sa publiko. Dagdag pa nito, nagbigay din ng mensahe ang mga ilan bagong naitalaga opisyal ng nasabing tanggapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *