Bagong upong RD ng PNP-Bicol, nagbigay ng direktiba sa kapulisan sa rehiyon hinggil sa pagpapaigting ng kampanya kontra krimen ngayong Halalan

BNFM BICOL—Nagbigay ng direktiba ang bagong upong Regional Director ng PNP-Bicol na si PBGen. Mario Reyes sa lahat ng kapulisan sa buong rehiyon hinggil sa pagpapalakas at pagpapaigting ng kanilang kampanya kontra kriminalidad.

Ayon kay Reyes, mahalagang mapalawak ang pagbabantay at implementasyon ng ‘peace and order’ sa iba’t-ibang bahagi ng Bicol higit na ngayong election period at mahigit isang linggo ay araw na mismo ng Halalan.

Layunin umano ng kanyang direktiba na masiguro ang mapayapa at ligtas na eleksyon para sa lahat ng mga botanteng Bicolano, sa pamamagitan ng agarang pagsupil sa anumang kaguluhan na posibleng mangyari ngayong election period.

Matatandaang una nang inihayag ng Police Regional Office 5, na patuloy ang kanilang pagsusumikap na mapanatili ang katahimikan ngayong Halalan, sa pamamagitan ng pag deploy ng mas maraming miyembro ng kapulisan sa mga lugar na nasa ilalim ng ‘red category’ o mga areas of concern.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *