Bagyong Karding napanatili ang lakas habang tinutumbok ang Northern Luzon

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Tropical Storm “KARDING” na huling namataan sa 1,245 km East ng Northern Luzon .

Taglay nito ang maximum sustained winds na 65 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 km /h.

Kumikilos ito Pakanluran sa bilis na 10 km/h.

Samantala ang Visayas, CALABARZON, Rehiyon ng Bicol, Bataan, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, at hilagang bahagi ng Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands ay makakaranas ng  maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng Southwest Monsoon at trough ng TS Karding.

Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng bansa  ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa localized thunderstorms.

Leave a Reply

Your email address will not be published.