Bahay ni dating US Pres. Trump sinalakay ng FBI

Kinumpirma ni dating US President Donald Trump na sinalakay ng mga agent ng FBI ang kanyang Florida home at pinilit buksan ang isa sa kanyang mga “safe”.

Sinabi ni Trump na sinalakay ng malaking bilang ng mga Federal agents at tinawag niyang “dark times” ng kanilang bansa.

Ang search ay may kaugnayan sa imbestigasyon kay Trump dahil sa pag-iingat umano nito ng mga official papers.

Kaugnay nito ay mariing kinondena ni Trump ang pangyayari kung saan inihayag niya na dati lang nangyayari ang ganitong insidente sa mga third-world countries at nakakalungkot na nararanasan ang corruption na hindi dating nakikita sa America.

Si Trump ay nasa kanyang tower sa New York city nang mangyari ang pagsalakay sa kanyang bahay.

Sinasabing ang pagsalakay sa bahay ni Trump ay naganap habang siya umano ay naghahanda para sa 3rd presidential run sa 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *