Bakuna bus roll-out ng PRC-Isabela chapter sa Cauayan City, sinimulan na;800 na guro, target na mabakunahan


Target na mabakunahan ng PRC-Isabela Chapter ang 800 na guro sa lunsod ng Cauayan sa isinasagawang 3-days bakuna bus roll-out katuwang ang CHO 2 na sinimulan na kahapon, September 21,2021 sa Brgy. Maligaya.


Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PRC-Isabela Chapter Administrator Josie Stephany Cabrera, napagkasunduan umano ng kanilang tanggapan at LGU-Cauayan City na iprayoridad ang mga guro na bakunahan.


Ito aniya ay dahil mababa umano ang roll-out ng vaccination para sa mga guro sa lunsod at bilang bahagi ng selebrasyon ng Teacher’s Month ngayong taon.


Ayon pa kay Cabrera, mula sa Schools Division Office Cauayan City ang listahan ng mga gurong mababakunahan mula sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa lunsod.


Kabuoang 230 na mga guro ang nabakunahan ng Sinovac vaccine kahapon sa Brgy. Maligaya at target na mabakunahan ngayong araw ang 270 na guro.


Dagdag pa niya, nagrequest pa umano ang PRC-Isabela Chapter ng karagdagang 300 doses ng bakuna sa Isabela Provincial Health Office upang mabakunahan na ang lahat ng guro sa lunsod.


Samantala, inihayag din ni Cabrera na nagkaroon ng allergy reaction ang isang gurong nabakunahan kahapon ngunit nilinaw naman nito na nasa maayos na itong kalagayan matapos bigyan ng anti-allergy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *