DENR R02, nagsagawa ng clean-up drive sa coastal areas sa region 2; 500 kg na basura, nakolekta


Umabot sa 500 kilograms na solid waste ang nakolekta ng Department of Environment and Natural Resources matapos ang isinagawang cleanup drive sa mga karagatan sa coastal areas sa Region 2.

Ito ay parte ng selebrasyon ng ahensya sa International Coastal Cleanup (ICC) Day.


Layunin ng DENR RO2 sa selebrasyon ng ICC Day na imulat sa komunidad ang epekto ng land and sea-based pollution sa kalusugan at ocean system.


Mahigit 200 na indibidwal mula sa Philippine Coast Guard, Philippine Army, PNP, LGUs, sangguniang kabataan, pribadong organisasyon at DENR Field offices ang lumahok sa nasabing aktibidad.


Nagsagawa rin ng ang mga divers sa rehiyon ng “Scubasurero” upang matiyak na walang marine debris sa ocean floors.


Karamihan sa mga nakolektang basura ay plastic wrappers, bottles, face masks, face shields, de lata at upos ng sigarilyo na nakatakdang idala sa material recovery facilities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *