Bakuna na binili ng Batangas City LGU, darating na

Kumpirmadong darating na sa third quarter ng kasalukuyang taon ang ma bakuna kontra covid19 na binili ng lokal na pamahalaan ng Batangas City.

Ang kumpirmasyon ay nagmula kay Atty. Reginald Dimcuha, Secretary to the Mayor ng Batangas City kung saan kinumpirma aniya ng FABERCO kay Batangas City Mayor Beverley Dimacuha ang pagdating ng mga bakunag inorder ng lokal na pamahalaan.

Ang bakunang ay Novavax na sinasabing may 95.4% ang efficacy nito kontra covid19 virus.

Nabatid pa rin na ang naturang bakuna ay 93.25% na makalalaban sa mga variant na nagmula sa UK. Brazil, India at South Africa.

100% naman ang efficacy nito upang malabanan ang virus sa mga nakararamdam ng moderate at severe Covid19 infection.

Maituturing din na 91% ang bakunang ito para sa A2 at A3 priority group ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *