Bakunahan ng booster dose sa mga immunocompromised na 12-17 year olds, lumarga na

Lumarga na ang bakunahan ng booster dose ng COVID-19 vaccines sa mga immunocompromsied na edad 12-17.

Ito nga ay makarang maaprubahan na ang guidlinmes ng HTAC para sa mga immunocompromised ng nasabing age bracket.

Inumpisahan na ito sa iba’t ibang mga ospital at healthcare facilities para mabakunahan na ng ikatlong dose ng bakuna ang mga bata.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni Dr. Anna Ong-Lim, miyembro ng technical advisory group, ang mga magulang na ‘wag sayangin ang pagkakataon na ito.

Aniya dahil matagal nang naudlot ang bakunahan sa age bracket na ito – ito na ang tamang panahon para maprotektahan na ang kabataan lalo na ang mga immunocompromised.

Samantala, sa hiwalay na forum naman, hinikayat ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga kabataang magpabakuna na bago ito sumabak sa face-to-face classes.

Aniya, bagamat hindi naman required, kailagang pahalagahan ng mga magulang ang proteksyon ng kanilang mga anak bago ito pumasok uli sa pisikal na mga klase.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.