Bangkay ng umano’y Alien, iprenesenta sa isang kongreso sa Mexico

NANINIWALA ka ba sa mga extraterrestrial entity?

Nitong nakaraang araw nang ipresenta sa kongreso ng bansang Mexico ang mga umano’y bangkay ng mga hinihinalang mga “alien”.

Ang mga nasabing bangkay ng umano’y “non-human” ay natagpuan sa bansang Peru taong 2017.

Maliit ang mga bangkay, tatlo lang ang mga daliri at may maliit na mukha na kung titingnan ay hindi mga mukhang tao.

Sa naging presentasyon ni Jaime Maussan, isang mamahayag at UFO enthusiast sinabing ang mga naturang bangkay ay hindi nagmumula sa mundo at itinuturing na isang extraterrestrial entity.

Under oath si Maussan nang magpresenta siya sa nasabing kongreso na kung saan krimen kung ituring kung magsisinungaling siya sa harap ng mga mambabatas. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *