Barangay Electrification Program sa Koronadal, aprubado na sa SP

KORONADAL CITY – APRUBADO na ng Sangguniang Panlungsod ng Koronadal ang isang panuka na nagbibigay ng legislative authority kay City Mayor Eliordo U. Ogena na pumasok at maglagda sa isang Memorandum of Agreement kasama sa gitna ng SOCOTECO I, SOCOTECO I Foundation, Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines at Bureau of Fire Protection may kaugnay sa Barangay Electrification Program ng lokal na gobyerno.

Ito ay pinangunahan ni City Councilo John Rey Rodriguez, chairman ng Committee on Legal Matters ng SP. Ang pagpapatibay sa nasabing MOA ay may layuning masiguro na mapanindigan ng dalawang grupo ang kanilang responsibilidad para sa nasabing programa. Sa ilalim ng Barangay Development Program, naisagawa ang programa na pailaw na may pondo na P1-Million para sa libre na metro ng kuryente at iba pang mga babayarin ng 100 identified indigent beneficiaries mula sa 27 na mga barangay na nakatira sa malayong lugar. Samantala, obligasyon naman ng bawat mga benepisyaryo ang kanilang buwanang bayaran sa kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *