Batang nakakagawa ng krimen sa Naga City unti-unti na namang nadaragdagan

NAGA CITY –  Unti-unti na namang tumataas ang bilang ng mga batang nasa kategoriya ng Child in Conflict with the Law o CICL, sila iyong mga batang na paulit-ulit nakakagawa ng krimen tulad ng pagnanakaw, pandudukot, snatching at iba pang street crimes.

Ang mga bata ay nasa children’s home ng lungsod na inaalagaan ng City Social Welfare and Development Office.

Kinumpirma ito ni City Administrator at Executive Director ng Children Affairs Office Elmer Baldemoro na isa sa direktang umaagapay sa kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng pagpatupad sa mga programang para sa mga ito.

Ayon kay Baldemoro, isa sa nakita nilang dahilan ay ang pagiging malaya na ng mga bata sa labas kahit may curfew dahil nga sa wala ng restrictions ng COVID-19, face-to-face na ang klase at balik na sa normal ang lahat.

Karamihan ng mga CICL ay mga abandoned child o children, mga ulila na at ang iba ay mga lumayas sa poder ng kanilang mga magulang.

Nakakalungkot, ngunit siyang katotohanan, sabi ng opisyal.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng training ang mga barangay opisyal para   sa Comprehensive Barangay Juvenile Intervention Program (CBJIP) sa limang napiling barangay na kinabibilangan ng Carolina, Calauag, Sabang, San Felipe, at Triangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *