Batangas Gov Mandanas, hindi pa bakunado

Batangas -Hindi pa rin bakunado kontra Covid19 ang punong lalawigan ng Batangas na si Gov. Dodo Mandanas.

Inamin ito ng punong lalawigan sa isinagawang pagpupulong ng Batangas IATF noong Lunes.

Ayon sa gobernador pinili na muna aniyang hindi magpabakuna dahilan sa kakulangan pa rin naman ng suplay nito sa kanyang lalawigan na nasasakupan.

Aniya kanya na lamang ipinauubaya ang bakuna sa iba at posibleng sa labas na siya magpabakuna kontra Covid19.

Pinpili din ng gobernador na huwag lumabas ng kanyang bahay at manatiling work from home dahilan sa nais niyang maging halimbawa sa mga Batanggenyo, maging ang pagsusuot ng face mask sa kaniyang tinutuluyan ay kanya na din ginagawa.

Si Gov Dodo ay lampas na sa anim napu’t lima ang edad na siyang ipinagbabawal na lumabas ng National IATF dahilan sa pagiging vulnerable nito sa covid19 virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *