Batas na nagbabawal sa paggamit ng motorsiklong may “open pipe” na tambutso mahigpit na ipapatupad sa bayan ng Vinzons Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Maghihigpit ngayon ang Vinzons Municipal Police Station sa pagpapatupad ng batas na nagbabawal sa paggamit ng motorsiklong may “open pipe” na tambutso sa buong bayan ng Vinzons

Ito ay alinsunod sa LTO Memorandum na may petsang April 29, 2019 na kilala sa tawag na INTENSIFIED OPERATION TO ENFORCE THE PROHIBITION ON BORA BORA or MOTORCYCLE WITH MODIFIED MUFFLERS CAUSING UNDESIRABLE/IRRITATING SOUND

Ang implementasyon para sa polisiyang ito ng LTO ay tugon ng Vinzons PNP sa mga report at sumbong na ipinaabot ng mamamayan ng Vinzons tungkol sa perwisyo na dinudulot ng mga “open pipe” na tambutso ng motorsiklo.

Ayon kay PMAJ Arkhemedes Garcia, OIC-COP ng Vinzons PNP na ang kanilang himpilan ay mayroon ng Sound Level Meter (Exhaust Outlet) na gagamiting panukat ng sound pressure level ng isang motorsiklo.

Nasasaad sa batas na hindi dapat lumampas sa 99 decibels (dB) ang antas ng tunog ng isang motorsiklo na kinuha sa bilis ng makina na 2,000 hanggang 2,500 revolution per minute (rpm).

Paalala ng opisyal sa mga motorist na may “open pipe” na tambutso na unawain at sundin ang nabanggit na polisiya upang maiwasan ang abala.

Payo nito na iwasan na ang paggamit at pagtangkilik nito upang mapanatili ang katahimikan sa komunidad

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *