Bayan Secretary General Nato Reyes, pumalag sa pag-deny sa karapatang makapag-rally

Tuluyan nang binasura ng Quezon City – Department of Public Order and Safety ang kahilingan ng mga progresibong grupo na malayang makapagsagawa ng mga kilos protesta sa Batasan Road kasabay ng unang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos sa Lunes.

Sa ilalim ng liham ng QC-DPOS, hindi pinayagan ang rally sa kahabaan ng Batasan Road dahil hindi raw ito isang freedom park.

Ipinunto rin sa liham na magdudulot ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Una nang sinabi ng Philippine National Police na papayagan lamang makapag-rally ang mga ito sa mga freedom parks gaya ng QC Memorial Circle, sa loob ng UP compound, ‘o ‘di kaya nama’y sa complex ng Commission on Human Rights.

Samanatala, tinawag naman ni Bayan Secretary General Renato Reyes na ‘arbitrary and lazy’ ang naging denial ng QC DPOS sa kanilang hiling na makapag-rally.

Wika ni Rees, tila ay ‘copy paste’ denial lang daw ito sa naging rekumendasyon ng QCPD.

Aniya, kaya nga raw sila nag-apply ng permit para makapag-rally sa Batasan Road ay dahil batid nilang hindi ito isang freedom park.

Paliwanag nito, hindi raw basehen ang trapiko para i-deny ang isang permit para malayang makapag-rally.

Muli nitong inihalimbawa ang rally nila sa Batasan Road noong 2016 at 2017 kung saan ay naging mapayapa naman ito at hindi raw naka-apekto sa trapiko.

Abangan naman ang Special Coverage ng Brigada News Philippines para sa SONA ni Pangulong Marcos.

Mapanonood sa lahat ng mga Online Streaming Platforms ng Brigada News Philippines, Social Media Accounts, at mapakikinggan sa lahat ng Brigada NewsFM Nationwide.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *