Best eco-tourism sites ng Albay, itatampok sa AVP ng pambato ng Pinas sa Miss Earth 2023 sa Vietnam

LEGAZPI CITY – Itatampok ang Best Eco-Tourism sites ng Albay sa video presentation ng pambato ng Pilipinas sa Miss Earth 2023 na gaganapin sa bansang Vietnam.

Ito ay gagamitin ni Miss Philippines Earth 2023 Yllana Aduana sa kanyang pagsabak sa Miss Earth Pageant sa darating na Disyembre ngayong taon.

Una nang inanunsyo ng beauty queen mula sa Siniloan, Laguna, ang kanyang intensyon na kunan ng footage ang mga magagandang lugar sa Albay sa kanyang courtesy visit kay Gov. Atty. Edcel Greco Lagman upang ibahagi ang kanyang adbokasiya para sa “Gender Equality for Women.”

Habang nasa rehiyon ng Bicol, pinili ni Aduana ang Albay upang magsalita tungkol sa SDG kasama ang komunidad ng kababaihan at LGBTQ sa Malabog sa Daraga at mga kalapit na bayan.

Nagkaroon naman ng isang photo ops si Aduana kasama ang mga executive at empleyado ng Albay.

Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa pagsuporta sa kanyang mga adbokasiya tungkol sa environment at women empowerment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *