BFAR, inaasahang babababa na ang presyo ng galunggong dahil sa pagtaas ng supply nito

Inaasahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na bababa na ang presyo ng locally produced blue mackerel scad o galunggong sa ikalawang linggo ng Pebrero dahil sa pagtaas ng supply nito.

Sa isang panayam, sinabi ni BFAR spokesperson Nazario Briguera, ginawa nila ang projection kasunod ng pagtatapos ng closed fishing season sa lalawigan ng Palawan noong January 31.

Inaasahan na maraming commercial fishing vessels ang muling papalaot doon para mangisda at tiniyak na mas maraming supply ng locally produced na galunggong ang makikita sa mga pamilihan.

Gayunpaman, sinabi ni Briguera na tatagal ng dalawang linggo bago makarating sa Metro Manila ang mga supply ng isda.

Samantala, ang umiiral na presyo ng galunggong sa ilang pamilihan ngayon sa Metro Manila ay mula PHP220 hanggang PHP260 kada kilo.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *