Bicol region, natatanging rehiyon sa bansa na nasa ilalim ng ‘low risk’ classification sa COVID-19

BNFM BICOL—Inihayag ni Health Sec. Francisco Duque III na ang Bicol Region ang natatanging rehiyon sa buong Pilipinas na nasa ilalim ng “low risk’ classification sa COVID-19.

Ayon kay Duque, ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng ‘minimal risk’ habang binigyang linaw ng kalihim na bagaman bahagyang tumaas ang kaso ng sakit sa bansa ay hindi naman umano nito naapektuhan ang health care utilization rate na sa ngayon ay nananatiling mababa at kontrolado.

Matatandaang una nang sinabi ng DOH-Bicol na naitala nitong nagdaang linggo ang bahagyang pagtaas ng daily average case sa rehiyon, bunsod ng isinagawang healthcare swabbing activities kung saan sumailalim sa surveillance swabbing ang mga healthcare workers.

Batay sa pinakahuling tala ng ahensya, umabot na sa 59,065 ang bilang ng cumulative cases ng COVID-19 sa rehiyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *