Bilang ng mga nagkaka-dengue, halos tum-riple na ayon sa DOH

Tumaas ng halos tatlong bases ang kaso ng dengue cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Mula Januray 1 hanggang November 12 ngayong taon, umabot na sa 201, 509 dengue cases ang naitatala sa bansa.

Ayon sa pinakahuling DOH Disease Surveillance Report, 190% na mas mataas ito kumpara sa 69, 505 cases ng kaparehong ng buwan noong nakaraang taon.

Pinakamaraming naitalang dengue cases ang Central Luzon kung saan umabot na ang kaso sa 40, 011.

Sinusundan ito ng National Capital Region na may 23, 330 cases, at Calabarzon na may 17, 046.

Naiulat naman na may highest increase ng dengue cases ang Cagayan Valley na mula sa 979 cases, pumalo na ang may sakit sa dengue sa 16, 712.

Mula sa 1, 037 cases, tumaas rin ang kaso sa Zamboanga peninsula sa 9, 478.

Bukod dito, tumaas din ang kaso ng dengue sa Caraga na ngayon ay may 4, 270 na mga kaso.

Samantala, ang Central Visayas, na may 98 dengue death cases, ang may pinakamaraming bilang ng namatay, kasunod ang Central Luzon na may 85, at West Visayas na may 83.

Paalala ng DOH, panatilihin ang paggawa ng 4S o ang search and destroy breeding places, secure self-protection, seek early consultation, and support fogging or spraying in hotspot areas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *