Bilang ng naitalang krimen sa bansa, bumaba ng 23.6% sa unang tatlong linggo ng 2023

Bumaba ang krimen sa buong Pilipinas sa unang tatlong linggo ng 2023.

Sa isang briefing , sinabi ni Police Gen. Rodolfo Azurin Jr. bumaba ng 23.66% ang crime rate sa Pilipinas na may 8,391 kaso na naitala mula January 1 hanggang January 21 kumpara sa sa 10,991 sa parehong panahon noong 2022.

Isa sa dahilan umano ng pagbaba ng mga insidente ay ang kanilang Kasimbayanan program kung saan katuwang nila rito ang mga religious leaders at organizations pati na rin ang community stakeholders para matiyak ang kapayaan at kaayusan sa bansa.

Samantala, sinabi rin ng hepe ng PNP na ang anti-narcotics police operation ay nagresulta naman sa pagkakakumpiska ng humigit-kumulang P81.29 milyon ng iligal na droga sa 1,831 police operations sa pagitan ng January 1 at January 16. Aniya, sa 2,518 drug suspects na naaresto sa parehong panahon, 146 ang kinilala bilang “big-time drug pushers.”
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *