Bilang ng nasawi sa mundo dahil sa COVID-19, pumalo na sa mahigit 3.8-million

Pumalo na sa mahigit 3.8-million ang bilang ng mga tao na nasawi sa COVID-19 mula nang magkaroon ng outbreak ng virus sa China noong December 2019.

Base ito sa official sources na kinolekta ng international news organization na AFP.

Sinabi sa ulat na nasa tinatayang nasa mahigit 176.17-million na kaso na ang nairehistro sa buong mundo, kung saan karamihan nito ay gumaling na.

Ipinunto naman sa ulat na bagamat nakabase ang figures sa daily reports ng health authorities ng bawat bansa, ay hindi kasama rito ang mga revisions ng iba pang statistical organizations kung saan ay lumabas na mas mataas ang bilang ng mga nasawi.

Sa taya naman ng World Health Organization ay posibleng dalawa o hanggang tatlong beses na mas mataas ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 kumpara sa official record.

Ipinaliwanag ng WHO na dahil ito sa excess mortality na directly o indirectly linked sa COVID-19.

Meron pa kasing malaking bilang ng less severe o asymptomatic cases ang nanatiling undetected sa kabila ng pinaigting na testing sa maraming bansa.

Noong Lunes lamang ay naitala ang 8,896 na bagong fatalities at 311,639 na bagong kaso sa buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *