Binata, patay matapos masaksak ng bayaw sa Puerto Princesa

Patay ang isang 25 anyos na si Regie Boy Palma Rabang matapos na masaksak ng bayaw sa Purok Pine Tree, brgy. Sicsican, Puerto Princesa, ganap na 6:30 ng gabi nitong Linggo, April 30.

Ang suspek ay ang bayaw nito na si Mark Jake Adier Calanday, 25 anyos.

Ayon sa ulat ng Police Station 2, ayon kay Aida Ballesteros (lola ng biktima) na habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek ay nagkagulo ang magkapatid na sina Rachelle at Regie Boy kung saan bumunot ng kutsilyo ang suspek at pinagsasaksak si Regie Boy.

Ilang beses na sinubukang pigilan ni Rachelle ang suspek ( Live-in partner ni Rachelle) pero nasaksak din ito sa braso.

Kalauna’y tumakbo si Regie Boy sa labas ng tirahan para humingi ng tulong, at sinundan siya ng kanyang ate kasama si Aida Ballesteros at agad na sumakay ng tricycle at nagtungo sa Ospital ng Palawan.

Habang ang suspek ay sumuko kay Redisto Amalan Tolas, isang securty guard, bago ito dinala sa Irawan Police Station para sa pansamantalang kustodiya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *