Bomba na ginawang dekorasyon sa tahanan mula pa noong 1982, mayroon pa umanong light charge

Ang isang bomba ay talagang delikado at kinatatakutan na sumabog sa kahit saan mang lugar, dahil bukod sa nakapipinsala ito ng kahit ano mang isturuktura tiyak na kaya nitong kumitil ng buhay.

Isang bomba kasi ang ginawang dekorasyon sa isang tahanan sa Prembrokeshire, Wales noong taon pang 1982.

Ngunit, kamakailan lamang, inimbistigahan ito ng mga kapulisan at isang araw makalipas, ipinaalam sa pamilya ng nagmamay-ari ng kinatitirikaan ng nasabing bomba na sina Jeffrey at Sian Edwards na kailangan umano i-dispose ang naturang bomba.

Ito’y sa kadahilanang, mayroon pa umanong light charge ang bomba.

Dahil sa pangamba, kailangan umano mag-evacuate ng lahat na residente sa naturang kalye.

Ngunit, hindi kayang iwan ng pamilya na nakatira rito ang kanilang bahay dahil sa 41 taon na umano silang nananahanan dito.

Samantala, isang araw nagpag-alaman ng mga otoridad na bagama’t mayroong charge pa ang bomba ay hindi na umano ito sasabog ng kusa.

Kalaunan, nai-dispose na ang bomba at naging panatag na ang pamilya maging ang mga residente ng naturang lugar.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *