Botika sa Norala, SoCot hinoldap!

KORONADAL CITY — ISANG botika ang hinoldap bago pa man mag-alas-12:00 ng tanghali kanina sa public market ng Norala, South Cotabato.

Kinumperma sa Brigada News FM Koronadal ni Mayor Clemente Fedoc na pinasok ng nag-iisang suspek ang Generika Drug Store na nasa palengke ng nasabing bayan.

Kinumperma ni Fedoc na nasa P2,000 ang natangkay ng suspek at hindi naman umano nito nabuksan ang vault ng botika.

Nakuhaan din ng CCTV ang insidente ngunit malabo umano ang itsura ng suspek na nakasakay sa isang XRM na motorsiklo.

Dagdag pa ni Fedoc na lumalabas sa imbestigasyon na hinintay lamang ng suspek ang mga pulis na umalis sa nasabing lugar saka isinagawa ang krimen.

Sa ngayon nagsasagawa na ng follow-up investigation ang Norala PNP sa insidente.

Nangyari ang hold-up sa Norala matapos ang magka-sunod na hold-up sa panel ng sigarilyo at beer sa Koronadal at hold-up din sa J&T Express Office sa bayan ng Tboli.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *