Bus, aksidenteng bumangga sa isang suv habang nag-oovertake; Isa sugatan, isa pang sasakyan, nadamay

Sugatan ang driver ng isang SUV matapos itong aksidenteng mabangga ng pampasaherong bus sa kahabaan ng Provincial Road, Barangay Alsam, Tayabas City nitong Martes, Enero 24.

Ayon sa report, binabagtas ng SUV na minamaneho ni Ronaldo Jugueta, 61-anyos, ang direksyon patungo sa Mauban, Quezon habang kasalubong naman nito ang bus na minamaneho naman ni Ruben Parado, 53-anyos.

Nag-overtake umano ang bus at inokupa ang lane na binabagtas ng SUV kung saan ay doon na ito nawalan ng kontrol sa kanyang manibela at bumangga sa unahang bahagi ng SUV.

Aksidente ring nabangga ng bus ang isang owner type jeep na nakaparada sa tabing highway.

Nagtamo ng mga matitinding pinsala ang tatlong mga sasakyan habang isinugod naman sa hospital ang driver ng SUV.

Kasalukuyang nagpapagaling ang naturang biktima habang nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad hinggil sa aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *