CAFGU, binaril ng kapwa CAFGU sa lungsod ng Sorsogon

SORSOGON CITY – Nauwi sa pamamaril ang alitan ng dalawang kasapi ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa loob mismo ng kanilang base camp sa Sitio Tublijon, Brgy Rizal, West District, Sorsogon City.

Nakilala ang suspek na si Marvin Barbolino Velasco, 31-anyos, binata, residente ng Brgy Managa-naga, Aroroy, Masbate habang ang mga biktima ay kinilala ng pulisya na sina Aljhon Esllera Docus, 26-anyos, binata, naninirahan sa Brgy Salvacion, West District, Sorsogon City at Jaime Almonte Royo, 33-anyos, binata, residente ng Aroroy, Masbate.

Batay sa ulat, nag-iinuman umano sa loob ng Kalayaan Hall ng base camp ang nasabing mga Cafgu nang sumiklab ang mainit na pagtatalo nina Velasco at Docus.

Kinuha umano ng suspek ang kanyang service long firearm saka pinaputukan ang biktima, hindi din nakaligtas sa pamamaril ang nagsaway lamang na si Royo.

Dead on the spot si Docus habang sugatan si Royo. Ang suspek naman ay agad  na inaresto ng rumespondeng tauhan ng Sorsogon City Police Station.

PHOTO exclusive for Brigada News FM-Sorsogon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *