Camalig Local Inter-Agency Committee, nagsagawa ng pagpupulong kaugnay ng resettlement projects ng NHA sa mga residenteng mula sa 6km PDZ ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng pagupulong ang Camalig Local Inter-Agency Commitee upang pag-usapan ang kasalukuyang estado ng resettlement projects ng National Housing Authority (NHA).

Ang naturang proyekto ay para sa mga residenteng nakatira sa loob ng 6KM permanent danger zone ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Mayor Caloy Baldo, layunin ng proyektong ito na matigil na ang paggamit ng mga silid-aralan bilang evacuation centers para sa mga apektadong residente.

Ang pag-uusap ay nakatuon sa pagsasagawa ng cross-match ng mga benipisyaryo ng bahay sa Baligang Resettlement site dahil kinakailangang magkaroon ng mga pagbabago dulot ng mga abandonadong lupa na ipapamahagi sa mga prayoridad matulungang mga pamilya.

Sa ngayon, ang pondo ng nasabing proyektong ito ay magmumula sa Bicol Calamity Assistance and Rehabilitation Effort (B- CARE).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *