Camarines Norte pasok sa Top 5 Performing Field Office sa PhilSys registration sa buong bansa

camarines norte -Napabilang ang Camarines Norte sa Top 5 Performing Field Office sa Philippine Identification System  (PhilSys) registration sa buong bansa noong Nobyembre.

Batay ito sa  Progress Monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA) Central Office sa implementation ng step 2 registration na mayroong daily average regkit output (DARO) na 68 at percent to target na 97. 29 % as of November 15, 2021.

Sa Bicol, dalawang probinsiya ang nakapasok sa top 5 kung saan nanguna ang lalawigan ng Catanduanes na mayroong 81 DARO at percent to target na 126. 2%.

Sinundan ito ng Bukidnon, North Cotabato, Guimaras at Camarines Norte.

Nalagpasan din ng Camarines Norte ang 332, 322 na target para sa June to December 2021 makaraang makapagtala ng kabuuang bilang na 357, 498 registrants o 107. 58% sa pagtatapos ng Nobyembre.

Narito ang kabuuang bilang ng PhilSys registrants sa buong lalawigan:

Basud                               27, 908

Capalonga                        22, 397

Daet                                  61, 137

Jose Panganiban              30, 744

Labo                                 68, 233

Mercedes                          25, 672

Paracale                            31, 188

San Lorenzo Ruiz              11, 664

San Vicente                       8, 143

Sta Elena                           27, 766

Talisay                              15, 897

Vinzons                            26, 749

Matagumpay ding naisagawa ang mobile registration noong Oktubre sa 13 barangay ng Daet na may kabuuang 12, 779 registrants.

Nagsagawa rin ng mobile registration sa  11 barangay ng Talisay na mayroong 3, 230 registrants.

Ang mga hindi pa nakakapagparehistro ay pwede ring kumuha ng appointment sa webiste na register.philsys.gov.ph

Paalala ng PSA na ang mga 18 anyos pataas lang ang pwedeng kumuha ng appointment.

Ang mga registration center na tumatanggap ng appointment schedules ay ang Daet sa mismong tanggapan ng PSA sa LJR Building sa Barangay III, Basud, Jose Panganiban, Labo sa barangay Gumamela, Mercedes, Paracale, Sta Elena at Vinzons.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *