Camarines Norte walang naitalang panibagong kaso ng COVID- 19 noong nakaraang linggo

CAMARINES NORTE- Walang panibagong kaso ng COVID- 19 ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte noong nakaraang linggo o mula February 12 hanggang 18.

Ito ang iniulat ng Department of Health nitong Lunes, February 20 kung saan dalawang lalawigan lang sa Bicol ang walang naitalang bagong kaso.

Bukod sa Camarines Norte ay wala ring naitalang bagong kaso sa Sorsogon.

Dahil dito nananatili sa kabuuang 4, 642 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa lalawigan mula nang magsimula ang pandemya noong 2020.

Nangunguna ang Daet sa may pinakamaraming kaso na may 15, 502 na sinusundan ng Labo na may 692.

Sinusundan naman ito ng Jose Pangaiban na may 406, Basud na may 372, Vinzons 363, Talisay 341, Paracale 241, Mercedes 209, Sta Elena 199, San Lorenzo Ruiz 121, San Vicente 113 at Capalonga na may 83.

Nasa 276 o 5. 95 percent naman ang naitalang nasawi kung saan pinakamarami pa rin sa Daet na may 69.

Pinakamarami ang nasawi noong 2021 na mayroong 218 habang 49 naman nnoong 2022 at 9 noong 2020.

Umaabot naman sa 4, 365 ang bilang ng mga nakarekober o 94. 03 percent.

Sa kabila naman ng pagbaba ng mga kaso ng COVID- 19 at halos wala na ngang naitatala ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH na gawin pa rin ang health protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *