Camarines Sur at Naga City, patuloy na makakaranas ng kaunting pag-uulan dahil sa habagat; pagkakaroon ng early warning device ng Brgy. Tamban, Tinambac, Camarines Sur, malaking tulong sa pagmonitor ng panahon

NAGA CITY – Bagamat tuluyan nang lumabas ang Bagyong Ineng sa Philippine Area of Responsibility, makakaranas pa rin ng kaunting pag-uulan sa ilang area, lalo na ang Camarines Sur at Naga City, dahil sa habagat.

Ito ang sinabi ni Chief Meteorological Officer ng PAGASA Cam. Sur, Fred Consulta.

Aniya, sa kabila nito makakaasa pa rin na magiging maganda ang panahon, lalo na sa Biyernes at posibleng hindi ulanin ang traslacion.

Sa naging pakikipag-usap naman ng Brigada News FM Naga kay Kapitan Annie Cabral ng Barangay Tamban, Tinambac, Camarines Sur, pagganitong may pagsama ng panahon nakahanda naman sila.

Katunayan may early warning device o Serena silang ginagamit sa pagmonitor ng panahon na malaking bagay at tulong para sa kanila, maliban pa ang mga ginagawang pagbabandilyo.

Ang normal na pagtunog nito ay alas 7 ng umaga, alas 12 ng tanghali at alas 5 ng hapon, kapag tumunog ng hindi sa oras ibig sabihin kinakailangan maging handa at alerto.

Ang one line na kulay pula, ibig sabihin ay kailangan maghanda, kapag naging tatlo na ang linya, kailangan na ng force evacuation lalo na sa mga prone areas sa barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *