Philippine Councilors League National President, dumalo sa ilang mga programa ng Naga City Government; mungkahing magkaroon ng mga benepisyo ang mga dating kasamahang konsehal, inilatag  

NAGA CITY – Nasa Naga City ngayon si Hon. Handy V. Lao, Philippine Councilors League National President para sa pagdalo sa ilang mga aktibidad at programa ng lungsod bilang pag-obserba na rin sa PCL Week Celebrations Nationwide.

Humarap siya sa mini-press conference at kanyang inilatag ang ilang mga programa sa mga kasamahang konsehal.

Bukod pa diyan ay ang mga benepisyong hinihingi nila para sa mga dating mga nagsilbing councilors na wala namang nakua matapos ang termino at hindi na bumalik sa politika.

Sa paliwanag nitong si Lao, hangad nilang may matanggap namang benepisyo ang mga dating nagsilbing konsehal galing sa alinmang ahensiya ng gobyerno, para kahit papano ay maramdaman ng mga ito na minsan ay naging bahagi sila ng gobyerno.

Plano nilang i-akyat sa kongreso ang kahilingang ito.

Isa sa dinaluhan ni Lao ay launching ng Modern PUV na bibiyahe sa Carolina, Pacol, sentro ng Naga, vice versa.

Pumunta rin siya sa isang pribadong paaralan na ang mga estudyante ay pawang mga Persons With Disabilities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *