COVID-19 Vaccination Team ng Naga City muling pupuntahan ang upper barangay ng lungsod para bakunahan ang mga batang wala pang booster shot  

NAGA CITY – May plano ngayon ang City Government ng Naga ng muling puntahan ang mga upper barangay ng lungsod para ipatupad ang booster shot sa mga bata.

Hanggang ngayon mababa pa rin ang bilang ng mga batang nagpa booster shots, sa kabila ng regular na ang face-to-face classes.

Batay sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Reynor Rodriguez, head ng  monitoring team ng COVID-19 vaccination activity ng lungsod, kailangan na ma-booster shot din sana ang mga bata lalo na ngayong tag-ulan na may mga sakit na kapareho ng Corona Virus Disease.

Pahirapan aniya ang pag booster shot sa mga bata, lalo pa kung ang magulang mismo ng mga ito ang umaayaw na rin.

Wala na rin anyang COVID-19, kaya wala ng halos nagpapa booster shot, ayon Rodriguez.

Makikipag-ugnayan na rin sila sa mga barangay, lalo na doon sa mga mababa pa rin ang bilang ng mga batang nagpa booster shot na. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *