China at Australia, naghipit ng COVID-19 restrictions sa gitna ng paglaganap ng Delta variant

Naghigpit muli ang China at Australia ng COVID-19 restrictions nito sa gitna ng surge ng mga kaso na pinalala ng Delta variant.

Napilitan na ang China na isailalim ang mahigit 1-milyong residente nito sa lockdown, habang ibinalik na rin nito ang kanilang mass testing campaigns.

Sa Australia naman kung saan ay nasa 14% lamang ng populasyon ang bakunado, ay idineklara ang snap lockdown sa Brisbane, at sa ilang bahagi ng Queensland matapos ma-detect ang anim na bagong kaso.

Ayon kay World Health Organization emergencies director Michael Ryan, ipinakikita ng Delta variant na patuloy na nage-evolve ang virus, ngunit is rin anya itong call to action na kailangan na nilang kumilos bago umusbong ang mga mas delikadong variants.

Dahil sa Delta variant, na unang natukoy sa India, ay napipilitan ngayon ang maraming gobyerno sa buong mundo na ibalik ang mahihipit na measures para kontrolin ang paglaganap nito.

Sa ngayon ay kumalat na ang Delta variant sa 132 bansa at teritoryo habang nasa mahigit 4-million na tao na ang nasawi dahil sa pandemya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *