27 panibagong kaso ng COVID-19 naitala sa Camarines Norte nitong weekend

CAMARINES NORTE- Naitala ang 27 panibagong kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte nitong weekend.

Nitong sabado, 17 ang mga bagong kaso na  naitala kung saan may tig-limang  kaso ang  bayan ng Daet at San Lorenzo Ruiz, tig-da-dalawang kaso naman ang bayan ng Jose Panganiban, Labo at Talisay habang may isang kaso ang bayan ng Vinzons

Habang kahapon aa case bulletin report ng DOH naitala ang 10 bagong kaso kung saan nakapagtala ng limang bagong kaso ang bayan ng Sta. Elena, 2 ang mula sa bayan ng Daet habang may tig-i-isang kaso ang bayan ng Basud, Labo at Paracale  

Sa ngayon ang lalawigan ng Camarines Norte ay pumalo na sa 1,328 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Covid-19, mula sa bilang na ito ay 245 ang aktibong kaso, 1,024 ang kabuuang recoveries at 59 ang nasawi dahil sa sakit

Tiniyak naman ng bawat lokal na Pamahalaan ang agarang pagsasagawa ng contact tracing sa lahat ng mga nakasalamuha ng pasyente habang patuloy na pinaalalahanan ang publiko na sumunod sa mga ipinapatupad na Health safety protocols

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *