Colasi falls sa bayan ng Mercedes sarado muna sa publiko dahil sa banta ng COVID- 19

MERCEDES CAMARINES NORTE – Pansamantalang isinara sa publiko ang dinarayong Colasi falls sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte dahil sa banta ng COVID- 19.

Ito ang inanunsiyo kahapon ni Punong Barangay Joel Aragona ng Colasi sa kaniyang social media account.

Ayon kay Aragona ang pansamantalang pagsasara sa publiko ng dinarayong Colasi falls ay para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Kasunod na rin yan ng inilabas na Executive Order ni Mayor Dante Morales na pansamantalang nagpapasara sa lahat ng tourists’ destination sa naturang bayan sa buong buwan ng Mayo.

Ito umano ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID- 19 lalo’t sumampa na rin sa mahigit 20 ang naitatalang kaso ng sakit sa naturang bayan.

Pero ayon sa Provincial Incident Management Team maaari namang mag- operate ang mga resorts sa 50 % capacity basta’t mahigpit na ipapatupad ang minimum health standards.

Samantala, walang bagong kaso ng COVID- 19 ang naitala sa lalawigan nitong weekend.

Sa ngayon ay umaabot na sa 341 ang kabuuang kaso ng sakit kung saan 97 dito ay aktibong kaso.

Nasa 17 naman ang naitalang namatay at 227 ang nakakarekober.

(Phorto: shared from Facebook)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *