DepEd kuntento sa naging takbo ng Early Registration sa lalawigan ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Kuntento ang Department of Education (DepEd) sa naging takbo ng early registration sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ayon kay Schools Division Superintendent Nympa Guemo naging epektibo ang kampanya ng DepEd dahil maraming mga magulang ang ipinatala ang kanilang mga anak sa early registration.

Nitong Sabado ay inihayag ni Guemo na mula nang isagawa ang early registration noong March 26 hanggang April 30 ay umabot sa kabuuang 32, 469 ang nagpatala.

Sa kinder nasa 7, 044 ang nagparehistro o mahigit 50 porsiento nang naka- enroll na 13, 775 ngayong School Year 2020- 2021.

Nasa 11, 055 naman ang nakapag early register sa Grade 1 o halos 75 % nang 14, 068 na naka- enroll ngayong School Year.

Nakapagtala naman ng nasa 7, 789  na early registrants sa Grade 7 na mahigit 50 % ng 12, 779 na naka- enroll ngayon.

Habang sa Grade 11 naman ay nasa 6, 081 ang nakapagpatala o halos maabot na rin ang 8, 334 na kasalukuyang naka- enroll.

Pinalawig hanggang sa katapusan nitong buwan ang early registration pero hanggang noong Sabado ay wala pa umanong pormal na komunikasyon na galing sa Cental Office.

Pero nilinaw ni Guemo na hindi naman talaga tinatanggihan ng DepEd ang mga enrollees kahit matapos ang early registration dahil hindi pa naman nagsisimula ang bagong taunang pampaaralan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *