Colgante Bridge Tragedy sa Naga City na ikinasawi ng mahihit 130 katao, inaalala ngayong araw

NAGA CITY- 49 taon na ang nakararaan nang maganap ang trahedya sa Colgante Bridge sa Naga City subalit sariwa pa ito sa isip ng mga nakaligtas at nakasaksi.

Sept 16, 1972 nang bumagsak o mag collapse ang noo’y kahoy pang tulay ng Colgante. Nangyari ito sa kasagsagan ng Fluvial Procession sa imahen ng  Divino Rostro at  Nuestra Señora De Peñafrancia o ang pagbalik noon sa Peñafrancia Shrine sa mula sa Metropolitan Cathedral na dumaraan sa Naga River. 

Umabot sa 138 ang nasawi kabilang ang mga ordinaryong mamamayan, devoto,  at ilan pang mga personalidad. May mga naipit, at nabagsakan ng tulay.

Sa mga ulat sa kasaysayan, nakitang punong-puno kase ang tulay ng mga debotong nag-aabang sa pagdaan ng pagoda ni Ina.

Mula noon, naging mas maingat na ang Naga kapag ginagawa ang Fluvial Procession, hindi na pumapayag ang mga otoridad na marami ang tao sa tulay.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Department of Public Works and Highways 3rd Engineering District Assistant District Engr. Rick Ragrario, sinabi nitong malaki ang naging papel nito para sa kanila. Kahit na nga mas matibay na ang tulay ngayon, sininigurado pa ring regular ang inspeksyon , sa Colgante Bridge naman City Engineering Office ang nakabantay.

Isinasaiisp din na sa bawat paggawa ng mga kalsada at tulay pinaka prayoridad ang kaligtasan ng mga mamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *