Pagbabakuna ng Janssen COVID-19 vaccine sa mga senior citizens, nagpapatuloy sa Viga, Catanduanes

Viga, Catanduanes—Nagpapatuloy ngayon ang pagbabakuna ng Janssen COVID-19 vaccine sa mahigit 1,500 mga senior citizens o ang mga nasa A2 priority list sa bayan ng Viga, Catanduanes.

Sa impormasyong ibinahagi ni Catanduanes DOH Provincial Officer Dr. Robert John Aquino, hanggang ngayong araw ng Biyernes target na tapusin ang vaccination program sa nasabing bayan na nagsimula nito pang araw ng Miyerkules.

Nasa kabuuang 1,547 ang bilang ng mga senior citizens na target nilang maturukan ng bakuna mula sa 31 barangay ng bayan. Dagdag pa ni Aquino, ang nasabing bayan ang unang nakanggap ng bahagi ng Janssen COVID vaccine dahil ikinokonsidera ang naturang lugar bilang nasa high-risk area.

Bukod sa Janssen ay may ilan ring tinuturukan ng Astrazeneca dahil matatandaang dumating din sa lalawigan ang karagdagang doses nito noong Lunes.

Sa pinakahuling datus ng Provincial Health Office, nasa 40% na ng target population sa bayan ng Viga ang nabakunahan na kontra COVID-19.###

Photo: Dr. Robert John Aquino

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *