COVID-19 cases sa Albay, pumalo sa mahigit 30

LEGAZPI CITY – Halos unti-unting tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa Albay.

Sumipa kasi sa tatlumpu’t tatlong mga kaso nito ang naitala ng Albay Provincial Health Office (PHO) sa buong lalawigan.

Sa datos ng tanggapan, ang bayan ng Daraga ang nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng kaso na umabot sa 12; sinusundan ng Legazpi City na may 7; sumunod ang Camalig na may 6; parehong tig-3 sa Bacacay at Tabaco City; habang dalawa naman sa Guinobatan.

Sa kaparehong datos, lumalabas na karamihan o halos lahat ng mga nagpositibo ay kasalukuyang naka-quarantine, habang ang dalawa rito ay naka-admit sa ospital.

Maliban dito, karamihan din ay mga bakunado at may ilan ding inaalam pa.

Rekomendasyon ng PHO ang patuloy na pagtalima sa mga ipinatutupad na minimum health protocols kahit pa nasa alert level 1 ang lalawigan, at magpabakuna upang maiwasan ang malalalang sintomas ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *