Pack ng Blood Type O sa BMC nasa Red Code pa rin; ilan sa mga magdodonate sana ng dugo nagtest postive sa HIV AIDS

NAGA CITY – Nanatiling nasa Red Code pa ang suplay ng Blood Type O sa Blood Bank Inventory ng Bicol Medical Center, ibig sabihin kulang at nangangailangan pa ang naturang opisina ng suplay.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Mario Cecilio Chavez, Blood Program Coordinator sa Bicol Medical Center – National Voluntary Blood Services Program Blood Bank Inventory.

Aniya, mas dumami ang nagkakasakit na nangangailangan ng type o na dugo kaya maging sila ay hindi rin ito inaasahan. Kaya nananawagan na rin ito sa mga posibleng mga blood donors na blood type o.

Sa 2,200 kada buwang nakokolektang dugo mula sa mga blood donors, ilan sa mga magdodonate ay natetest na may sakit na HIV AIDS positive, kung saan isa ang naturang sakit sa mga binabantayan lalo na hindi maaaring makapagdonate ang mayroon nito maliban na lamang sa mga check-up at rekomendasyon. Pagkatapos ay nagsasagawa na rin sila ng mga counseling sa mga ito.

Ayon pa sa opisyal ingat din sila ngayon lalo na’t nangunguna pa rin ang lalawigan sa may maraming naitalang may sakit na HIV Aids, ang Naga City naman mataas rin ang kaso nito, katunayan 27 ang kaso noong Abril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *