COVID-19 deaths sa Amerika, patuloy na bumababa

Patuloy na kumokonti ang bilang ng mga nasasawi araw-araw sa Amerika dahil sa COVID-19 mula nang magsimula ang pandemya.

Sinabi ni Rochelle Walensky, director ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC), na nasa 545 ang seven-day moving average of deaths noong May 16.

Ipinunto ni Walensky na noong March 2020 pa nila huling naranasan ang ganito kababa na sevend-day-average.

Kaugnay nito ay pababa na rin ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa lahat ng US states, kung saan ay kasalukuyang naitala ang average na 30,211 na pinakamababa mula pa noong June o sa panahon na nagkaroon ng severe testing shortages.

Naniniwala naman si White House senior advisor for COVID response Andy Slavitt na nananalo na ang kanilang bansa laban sa virus, at ngayon ay kailangan nila ang publiko na tulungan sila para matapos na ang laban.

Hinimok naman ni Slavitt ang lahat ng mga natitirang eligible US citizens na magpabakuna na. Mababatid na tinatayang nasa 60% na ng US adult population ang natuturukan na ng one dose ng COVID-19 vaccine, habang binabalak na ng naturang bansa na magluwag sa mga restriksyon na ipinatutupad nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *