COVID-19 health emergency allowance inaasahan ng mga barangay officials sa Naga sa bagong DOH secretary

NAGA CITY –Naniniwala ang mga barangay officials at health personnel ng LGU-Naga na posibleng maibigay na rin ang hinihintay at inaasam nilang COVID-19 Health Emergency Allowance , ngayong may bago ng Health Secretary ang Department of Health na si Dr. Ted Herbosa.

May mga naging pagkakamali at pagkukulang sa pag sumite ng mga requirements ang mga ito, kaya naantala ang pag release ng pondo mula sa DOH-Bicol, batay sa naging unang pahayag ng city government.

Tanging natatanggap pa lamang ng mga health care workers ay iOne COVID-19 Allowance, subalit ang HEA o Health Emergency Allowance ay hindi pa, mula sa taong 2020-2022.

Nakausap naman ng BNFM Naga si Magno Reyes, registered nurse at siyang head ng BHWs, sinabi nitong patuloy silang maghihintay lalo pa at may pagkilos na ring ginagawa ang DOH central office, ang opisina ni Health Secretary Herbosa.

Anya’y nangako na ito na aasikasuhin kaagad na maibigay ang ibang mga allowances at benefits ng mga personaheng nagsilbi noong kasagsagan ng COVID-19 sa bansa.

Sana dumating na at ibigay na ang benipisyong ito sabi pa ni Reyes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *