Covid- 19 vaccination coverage sa mga batang Cam Norteño edad 5- 11 nasa 22. 9 % pa lang

CAMARINES NORTE- Nananatili pa ring mababa at malayo pa sa kalahati ng target population ng edad na 5- 11 mga bata ang mga nababakunahan kontra COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte

Ito ay mahigit isang taon makaraang ilunsad ang bakunahan sa naturang age group.

Batay sa datos ng Provincial COVID- 19 Vaccination Operation Center hanggang nitong May 2, 2023 nasa 15, 674 pa lang ang nababakunahan sa target population na 68, 347

Sa labing dalawang bayan, tanging ang Capalonga pa lang ang nakakaabot o lumagpas sa kalahati ng kanilang target.

Sa target na 3, 775 na bata, 2, 113 o 56.0% ang nabakunahan.

Sinusundan naman ito ng Mercedes na may target na 5, 956 at nasa 2, 572 na ang nabakunahan o 43. 2 %.

Ang sampung mga bayan ay hindi pa man lang umabot sa 40 %.

Ang Basud na may 4, 805 na target ay nakapagbakuna ng 1, 738 o 36. 2 % at San Vicente na pinakamaliit na bayan na mayroong target na 1, 217 ay nakapagbakuna ng nasa 418 mga bata o 34. 3 %.

Pinakamaraming target na mabakunahan sa Daet na nasa 12, 282 mga bata pero nakapagbakuna pa lamang ng 2, 741 o 22. 3 %

Ang nalalabi pang mga bayan tulad ng Talisay ay may 28.8 %, San Lorenzo Ruiz 28. 7 %, Jose Panganiban 14. 3 %, Labo  13. 1 %, Sta Elena 10. 3 a5 at Paracale na may 9. 3 %.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *