MOA sa pagitan ng DSWD at LGU Basud kaugnay sa implementaston ng SLP may “green light” na ng SB

CAMARINES NORTE- Papasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Local Government Unit of Basud  para sa implementasyon ng Sustainable Livelihood Program (SLP).

Ito ay matapos na aprubahan ng Sangguniang Bayan ang urgent request ng Alkalde na mabigyan siya ng authority na pumasok sa MOA sa pagitan ng LGU at DSWD Bicol na kinakatawan ni Regional Director Norman Laurio.

Sa ilalim ng kasunduan pangunahing responsibilidad ng LGU na magkaroon ng close coordination sa DSWD para iba’t- ibang proyekto sa ilalim ng SLP.

Ayon sa SB maganda ito dahil matutugunan din ang mga reklamo ng mga mahihirap na hindi nakakapasok sa program.

Maliban sa tao ng DSWD ay mayroon din umano ang LGU para masuri ang mga mahahalagang datos.

Mahalaga umano ang datos na mangagaling sa ahensiya sa pagdedesisyon sa pagpapatupad ng mga programa.

Magmo-mobilize ng resources ang LGU sa implementasyon ng programa at mayroon na umanong pondo para dito dahil nakapaloob na ito sa annual budget.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *