COVID-19 vaccines supply ng mga mahihirap na bansa, paubos na – WHO

Kinumpirma ng World Health Organization na paubos na ang COVID-19 vaccines sa mga mahihirap na bansa na dahilan ng pagkakaantala ng mga vaccination programs.

Sinabi ni WHO senior adviser Dr. Bruce Aylward na nakapag-deliver na ng 90 million doses sa 131 na bansa ang Covax programme pero hindi sapat para maprotektahan ang mga mamamayan mula sa pagkalat ng virus sa buong mundo.

Ayon sa report, ang shortage ay kasabay ng pagdanas ng third wave ng infections sa ilang bansa sa Africa.

Matatandaan na kahapon ay nanawagan si South African President Cyril Ramaphosa na tigilan na ng ilang mayayamang bannsa ang hoarding habang sila ay dapang dapa sa paglaban sa pagtaas ng mga kaso.

Kinumpirma din ni Ramaphosa na nasa 40-million doses pa lang ang naituturok sa Africa pero wala pa ito sa 2% ng kabuuang populasyon Matatandan na nabuo ang Covax noong nakaraang taon para masiguro na magkakaroon ng COVID-19 doses ang mga bansa sa buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *