COVID positivity rate sa Metro Manila, umakyat na sa 26% as of May 17

Sumampa na sa 26% ang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila as of May 17.

Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David na ang isang linggong COVID-19 positivity rate ay bahagyang tumaas mula sa 25.9% na naitala noong May 16.

Samantala, tumaas din sa 24.1% ang positivity rate ng buong bansa mula sa dating 23.8%.

Nilinaw naman ni David na kasabay ng tumataas na positivity rate, o ang porsyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuoang bilang ng mag nagpa-test, umakyat na rin sa 30% as of May 17 ang hospital occupancy sa Metro Manila, habang nasa 25% naman ang intensive care unite occupancy.

Noong Huwebes, nakapagtala ang Department of Health ng 2,014 na mga bagong kaso, dahilan para umabot na sa higit 16,000 ang active tally ng coronavirus sa bansa. //SM edited MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *