DA, nakatakdang magpataw ng cold storage price sa pula at puting sibuyas

Nakatakdang magpataw ng cold “cold storage price” ang Department of Agriculture para sa pula at puting sibuyas sa merkado.

Sa panayam, sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, itatakda nila sa  P115 ang kada kilo ng  pulang sibuyas habang P100 naman sa puting sibuyas.

Ang cold storage price aniya ay napag-usapan sa katatapos na pulong ng mga stakeholders sa hangaring ibaba ang halaga ng bilihin sa mga pamilihan sa P140 hanggang P150 kada kilo.

Ang mga negosyante na raw mismo ang sumang-ayon na ilagay ang pakyawan na presyo sa mga cold storage facilities.

Batay sa pinakahuling price monitoring ng  DA, ang lokal na pula at puting sibuyas ay nagkakahalaga ng P160 hanggang P200 kada kilo sa mga piling pamilihan sa Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *