Daan-daang grupo, tinutulan ang nominasyon ni Roque sa International Law Commission

Tinutulan ng 220 grupo at ng halos 20,000 na indibidwal ang nominasyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa International Law Commission, na nagsisilbi bilang advisory body ng United Nations..

Sa online petition ng iDefend na pinirmahan ng daan-daang grupo, ay sinabi nito na isang dating human rights lawyer si Roque na minsan nang isinulong ang membership ng Pilipinas sa International Criminal Court.

Pero ayon sa grupo, mula nang maging spokesperson si Roque ng Palasyo, ay dinipensahan na nito ang mga kontrobersyal na polisiya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kabilang na ang war on drugs.

Kaugnay nito ay nagtungo na si Roque sa New York para isulong ang bid nito na makapasok sa ILC.

Ipinunto ni Roque na hindi naman siya sasahuran sa kaniyang pagpasok sa commission, at ilang linggo lang sa isang taon ang kanilang pagpupulong.

Kabilang sa mga isinusulong ni Roque para makuha ang pusisyon sa 34-member commission ay ang treaties para sa a vaccine equality at pagkilala sa land territories na posibleng maglaho dahil sa climate change.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *